Sabi ni Bob…
November 15, 2008“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”
“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”
“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”
“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”
“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.”
“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”
“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”
“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”
“Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.”
“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
Previous Comments
Matalino talaga yan si Bob Ong…idol ko sya!
Posted by kg at November 16, 2008, 6:42 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Add a comment
In a nutshell...
an idiosyncratic soul ;)
Message Board
- used stationary bikes:
nice blog boss…
- indonesia furniture handicraft wholesale marketplace:
Do not forget to always visit the Indonesia furnitur
- used stationary bikes:
nice blog boss…
- indonesia furniture handicraft wholesale marketplace:
Do not forget to always visit the Indonesia furniture
- watch the expendables online:
watch the expendables online for free on www.rosezzy.com
- Watch Pacquiao vs Margarito Online:
Have a nice day ahead!
- BIG.BAD.EJ:
hi mareng, sorry for the inconvenience, i’ve moved to http://bigbadej.blogspot.com
- mordsith:
i have a new blog, but i’m keeping the old one.
http://songsofmordsith.blogspot.com/
- onyxx:
visiting…. hmm… nmay bago na naman akong tambayan
. more posts please
- kg:
Merry Christmas pulot!
- t2rad:
http://headtripcomics.comicgenesis.com/d/20080915.html
http://headtripcomics.comicgenesis.com/d/20080505.html- emben:
hi there, eheheh
- eks:
you’re one of us na! nyahaha! pasyal ka sa amin ha?
- mordsith:
hi! i’ll include you in my links. hope it’s ok.
- grace:
Hello cat! Welcome!
- support:
Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.
- support:
Hi! Your shoutbox is working fine!



eto naman ang paborito ko
“wala sa mga ginagawa natin ang makapagsasabi ng sapat kung sino tayo. dahil lagi tayong higit sa kahit anung trabaho na nagawa at gagawin natin.”
Posted by Rico at November 15, 2008, 8:12 am